Patuloy paring makakaranas ng frontal system ang Bicol Region habang hanging Amihan naman sa intersection ng Northern at Central Luzon maging sa bahagi ng Quezon Province.
Generally fair weather condition naman sa natitirang bahagi ng bansa kabilang na dito ang Metro Manila maliban nalang sa mga pulo-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa hapon at sa gabi.
Magiging mainit at maalinsangan naman ang buong bahagi ng Visayas at Mindanao pero paalala ng pagasa na magdala parin ng payong bilang proteksiyon sa biglaang pagbuhos ng ulan.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 23°C hanggang 31°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 6:24 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 5:55 ng hapon. —sa panulat ni Angelica Doctolero