Mararanasan ngayong araw ang mainit na panahon sa Metro Manila at sa iba pang lalawigan.
Ayon sa PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, ito ay dahil sa umiiral na ridge of High Pressure Area o HPA sa buong bahagi ng Luzon.
Maliban dito, wala ring binabantayang sama ng panahon ang PAGASA sa loob at labas ng bansa.
Matatandaang kahapon, naitala ang 34.8 degrees celsius ang naitalang pinakamainit na temperatura kahapon sa Metro Manila.
AR / DWIZ 882