Makararanas ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan ang kanlurang bahagi ng Luzon.
Batay sa weather forescast ng PAGASA, magdadala ng maulap na papawirin na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang habagat sa bahagi ng Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region (CAR), Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, maging sa mga lalawigan ng Marinduque, Mindoro at Romblon.
Makararanas naman ng localized thunderstorms sa nalalabing bahagi ng bansa.
Maaari namang magdulot ng landslides o flash floods ang posibleng maranasang malakas na buhos ng ulan.
Samantala, wala namang inaasahang bagyo na papasok sa Philippine Area of Repsonsibility (PAR) sa mga susunod na araw.