Isang Low Pressure Area (LPA) ngayon ang binabantayan ng PAGASA.
Huling namataan ang LPA kaninang 3a.m. sa layong 115 kilometro, kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte.
Nakaaapekto naman ang Southwest Monsoon o Habagat sa bahagi ng Luzon.
Makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dala ng habagat ang Metro Manila, Ilocos Region, Calabarzon, at Cagayan Valley.
Makararanas naman ng bahagyang maulap na kalangitan na may panaka-nakang pag-ulan ang nalalabing bahagi ng bansa.
Samantala, posible namang makaranas ng flash floods o landslides ang mga lugar na apektado ng pag-ulang dala ng habagat.