Mananatili ang National Capital Region (NCR) at ilang lugar sa bansa sa Alert level 1 mula 1 hanggang 15 ng Hunyo.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Kris Ablan, nakasailalim ito sa Inter Agency Task Force (IATF) resolution 168-A.
Maliban sa Metro Manila, nakasailalim rin sa Alert level 1 ang Abra, Ilocos Norte, Batanes, Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Angeles City, Olongapo City, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Lucena City, Marinduque, Albay, Aklan, Siquijor, Biliran, Zamboanga City, Bukidnon, Iligan City, Surigao Del Sur, at Butuan City.
Sa ilalim ng Alert level 1, pinapayagan na rin ang intrazonal at interzonal travel sa mga may comorbidities man o wala.
Maaari na rin mag-operate ng Full On-site Capacity ang mga establisimyento sa ilalim ng minimum public health standards.