Mananatili sa ilalim ng alert number 3 ang buong Metro Manila kahit pa walang namomonitor na banta sa paggunita sa panahon ng Undas.
Alert level 3 ang siyang pinakamataas na alerto sa mga pulis dito sa Metro Manila.
Kaugnay nito, sinabi ni National Capital Regional Police Office Director Chief Superintendent Oscar Albayalde, kanselado ang bakasayon ng kanyang mga tauhan para tiyakin ang kaligtasan ng mga pupunta sa mga sementeryo.
Ayon kay Albayalde, halos 8000 PNP personnel ang naka-deploy sa halos 100 mga pangunahing sementeryo sa nasasakupang mga lugar ng NCRPO.
By: Avee Devierte