Pinalawig pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-iral ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila.
Sa mensahe sa bayan ng pangulo ngayong Martes, inianunsyo nito na mananatili sa GCQ ang Metro Manila mula ika-1 hanggang sa katapusan ng Nobyembre.
Iiral din ang GCQ sa mga sumusunod na lugar:
- Batangas
- Iloilo City
- Bacolod City
- Tacloban City
- Iligan City
- Lanao del Sur
Ayon kay Pangulong Duterte, nakadepende pa rin naman sa mga lokal na pamahalaan ng bawat lugar kung iaapela nila ang kung ano ang sa tingin nila ay mas makabubuting quarantine classifications sa kanilang mga nasasakupan.
Samantala, sa pinakuhuling tala ng Department of Health (DOH) kahapon, ika-26 ng Oktubre, pumalo na sa 371,630 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa kung saan, 328,258 sa mga ito gumaling na habang 7,039 ang mga nasawi.