Ipinagmalaki ng NCRPO o National Capital Region Police Office na mas ligtas na ngayon sa Metro Manila, isang taon mula nang maupo sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang ibinida ni NCRPO Chief Dir. Oscar Albayalde kasunod ng lumabas na survey ng SWS o Social Weather Stations kung saan, 82 porsyento ng mga taga-Metro Manila ang nagsabing sila’y ligtas mula sa krimen.
Ayon pa kay Albayalde, maliban pa ito sa tala ng PNP na nagpapakita ng malaking pagbaba sa mga insidente ng pagnanakaw mapa sasakyan man o iba pang kagamitan.
Dalawampu’t apat na libong drug personalities din aniya ang kanilang nahuli kung saan, mahigit Apat na Bilyong Pisong halaga ng iligal na droga ang kanilang nakumpiska.
By: Jaymark Dagala / Jonathan Andal
Metro Manila mas ligtas na ngayon ayon sa NCRPO was last modified: July 4th, 2017 by DWIZ 882