Nakapagtala ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng may pinakamataas na insidente ng mga pambu-bully sa loob ng mga paaralan.
Sa datos ng Department of Education (DepEd), aabot sa mahigit 3,700 ang kaso ng bullying sa NCR para sa school year 2016 hanggang 2017 na sinundan ng Region 10 na may mahigit 2,500.
Ang Region 11 naman ang pumangatlo sa listahan na may 1,980 kaso ng bullying na sinundan naman ng Region 12 na may 1,957 insidente.
Aminado ang DepEd na tumataas ang kaso ng bullying sa mga paaralan taon-taon kung ikukumpara sa mga nakalipas na school year.
Binigyang diin naman ng ahensya na dapat tutukan sa mga paaralan ang insidente ng bullying lalo na kung kapwa sangkot dito ay mga bata.