Malaki ang posibilidad na muli na naman itanghal bilang “worst city to drive” ang Metro Manila sa ikalawang pagkakataon sa magkasunod na taon.
Ayon sa pag-aaral ng Navigation Software na Waze noong nakaraang buwan, aabot ng 5 minuto ang travel time sa isang 1 kilometer stretch na daanan dahil sa sobrang bigat na daloy ng trapiko.
Dagdag pa nito, tumataas ng 10% ang dami ng sasasakyan sa kalsada tuwing buwan ng Nobyembre at Disyembre.
Samantala, sinisi naman ng Metropolitan Manila Development Authority ang dami ng sasakyan.
Ayon sa ahensta, kakain ng halos 2 oras ang pagbagtas ng higit 20 kilometro ng EDSA katulad ng daan mula Monumento hanggang Roxas Boulevard.
Sa ngayon ay mayroong 405,000 sasakyan ang dumadaan sa EDSA araw-araw.