Sang-ayon ang Metro Manila Mayors na magpabakuna na rin sila laban sa COVID-19 para maipakita sa kanilang constituents na walang dapat ikatakot sa pagpapaturok.
Ito’y matapos ibilang na ng gobyerno bilang frontliners ang mga gobernador at iba pang local chief executives makaraang magpabakuna ang ilang alkalde para umano makahikayat sa kanilang mga constituent.
Ayon kay Paranaque City Mayor Edwin Olivarez, head ng MMC, pumayag na ang 17 alkalde sa Metro Manila na magpabakuna para sa maipakita sa mga nasasakupan nito na dapat magtiwala sa bakuna kontra COVID-19.
Naniniwala aniya sila na malaki ang maitutulong sa pagkakaroon ng kumpiyansa ng publiko kung ang kanilang alkalde at iba pang opisyal ng kani-kanilang lokal na pamahalaan ay pangungunahan ang pagpapabakuna.
Si Olivarez ay nakatakda umanong bakunahan kontra COVID-19 ngayong linggo.