Humingi na ng tulong ang mga Manila Metro Mayor sa national government hinggil sa pamamahagi ng ayuda sa mga lugar na apektado ng granular lockdowns.
Ipinabatid ni MMDA chairman Benhur Abalos na nakatakda niyang kausapin si Neda director general Karl Kendrick Chua na kung maaaring gawing “cost sharing” ang programa sa pagbibigay ng ayuda sa mga residente.
Aniya, posibleng masaid ang pondo ng mga LGUs kung magpapatuloy pa ang ganitong sitwasyon sa Metro Manila.
Bukod dito, kailangan na rin gawin ang granular lockdowns dahil posibleng mahawa ang mga asymptomatic sa mga mahina ang resistensya o hindi pa nakapagbakuna.
Samantala, ipinagmalaki ni Abalos na pumalo na sa mahigit 11M ang nabakunahan sa Metro Manila kung saan 4.2M ang mga nakatanggap na ng ikalawang dose ng bakuna.
Habang 7.4 naman ang nakatanggap ng unang dose laban sa COVID-19.