Kumpiyansa ang mga Alkalde sa Metro Manila na walang masususpinde sa kanila pagsapit ng 60-day deadline na itinakda ng Deparment of Interior and Local Government (DILG).
Ito’y kaugnay sa hamon ng DILG sa Metro Manila Mayors na linisin ang lahat ng nakahambalang sa mga kalsada sa kanilang lugar na nasasakupan.
Ayon kay Navotas City Mayor Toby Tiangco walang alkalde na nagsabing may problema sila sa kanilang isinagawang clearing operations.
Naging iba-iba umano ang diskarte ng mga alkalde para tugunan ang problema sa kanilang lugar gaya na lamang ng mga illegal vendors at mga iligal na terminal.