Magpupulong ang Metro Manila Council (MMC) bukas ng gabi upang pag-usapan ang magiging rekomendasyon nito ukol sa lockdown status sa National Capital Region (NCR).
Ginawa ni Parañaque City Mayor Edwin Olivares ang pahayag ilang araw bago mapaso ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila at iba pang mga karatig-lalawigan sa Agosto 18.
Pagkatapos naman ng pagpupulong ng mga Metro mayors, magbibigay ng final recommendation ang Inter-Agency Task Force (IATF) kay Pangulong Rodrigo Duterte.