Nakatakdang magpulong ang Metro Manila Mayors tungkol sa posibleng pagsailalim sa Alert level 1 ng National Capital Region (NCR) sa darating na Martes.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) officer-in-charge Romando “Don” Artes, pag-uusapan na ang rekomendasyon ng ilan na ilagay na mas maluwag na restriksyon ang Metro Manila sa susunod na buwan.
Pero giit ni Artes, kailangan pa ring tiyaking handang-handa sa mungkahing pagbubukas ng ekonomiya at industriya.
Matatandaang batay sa panuntunan ng department of Health (DOH), papayagan na ang intrazonal at interzonal travel sa ilalim ng Alert Level 1.
Papayagan na rin ang lahat ng establisyimento sa kanilang full operational capacity.—sa panulat ni Abie Aliño-Angeles