Tatlong senaryo ang nais na irekomenda ng Metro Manila Council (MMC) sa Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) pagkatapos ng second extension ng enhanced community quarantine (ECQ) sa May 15.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, na isa sa tatlo nilang rekomendasyon ay i-extend pa ang ECQ ng dalawang linggo o hanggang katapusan ng May.
Ikalawa aniya, ay ang ilagay na sa general community quarantine (GCQ) ang buong Metro Manila mula sa ECQ.
Habang ang ikatlo aniya ay ang modified combination ng ECQ at GCQ.
Pero sinabi ni Garcia na dapat paring manatili sa ECQ ang mga lugar na may mataas paring bilang ng COVID-19, habang dapat naman aniyang maibaba sa GCQ ang mga lugar may maliit lamang na kaso ng virus.
Siniguro ng MMDA official, na nakahanda ang Metro Mayors na tumalima sa kung anuman ang magiging desisyon ng IATF.