Naghahanda na ang Metro Manila mayors sa posibleng pagsasailalim ng rehiyon sa granular lockdown dahil sa patuloy na pagsirit ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, na kanilang pinaghahandaan ang naturang hakbang dahil sa mataas na reproduction rate ng virus sa Metro Manila na nasa 1.46 batay sa datos ng OCTA Research Group.
Ang reproduction rate ay tumutukoy sa taong pwedeng dapuan ng COVID-19.
Mababatid na ang granular lockdown ay isa ring uri ng paghihigpit ng pamahalaan na ipinatutupad sa mga barangay o maliliit na lugar na layong masugpo ang clustering ng mga dinadapuan ng virus.
Nauna rito, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na posibleng granular lockdown na lamang ang pairalin sa halip na malawakang lockdown.