Binigyang diin ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chair Benhur Abalos na nagkaisa ang mga Metro Manila Mayors sa major policies kaugnay sa implementasyon ng alert level 3 na nagsimula na kahapon.
Ito ang tugon ni Abalos kasunod ng ulat na sinabi umano ni Marikina Mayor Marcy Teodoro na hindi kinonsulta ang mga alkalde at hindi inilatag ng maayos ang guidelines hinggil sa pagsasailalim sa Alert Level 3 ng Metro Manila.
Ayon kay Abalos, desisyon ng Department of Health (DOH) ang pagbaba ng alert level sa NCR.
Dagdag pa ni Abalos, isang ahensiya lamang ang magde-determine hindi ang mga alkalde o sinuman maging ang DTI dahil nakasailalim sa kondisyon ng pilot ay DOH lamang ang maaaring magsagawa ng pagbaba ng alert level sa bansa.
Aniya, ang DOH ang epidemiologist, sila ang eksperto pagdating sa kalusugan ng bawat isa.