Inilagay na muli sa moderate risk ang situwasyon ng COVID-19 sa Metro Manila matapos na tumaas ang mga kaso ng sakit.
Ayon sa OCTA Research Group, umakyat sa 3.86% positivity rate sa rehiyon ngayong linggo mula 0.69% at tumaas din ang 7-day average cases sa 215 noong December 23 hanggang 29.
Naitala rin ang 1.49% na reproduction rate mula 0.51% habang nasa 19% naman ang health care utilization rate.
Sinabi naman ni OCTA Fellow Dr. Guido David na kung hindi dahil sa Omicron variant ang pagtaas ng mga kaso ay posibleng pansamantala lamang ito.