Naabot na ng Metro Manila ang pre-surge levels ng COVID-19 ayon sa OCTA Research Group.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH), nasa 2,200 na ang mga kaso nitong Biyernes sa rehiyon na mas mababa sa 2,500 noong Enero a-1.
Pero bumagal ang pagbaba ng kaso dahil nag-flat ang mga kaso sa average na 2,000.
Bumaba na rin sa negative 69 ang growth rate mula negative 67%.
Samantala, pabor naman ang health expert na si Dr. Anthony Leachon na ibaba na sa alert level 2 ang Metro Manila basta’t palawakin ang testing at contact tracing. —sa panulat ni Abby Malanday