Nagsimula ng maghanda ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila para sa posibleng epekto ng pananalasa ng typhoon Ambo.
Batay sa ulat, ilan sa mga ginawang paghahanda ay ang pag-alis sa mga malalaking billboard Edsa.
Ang lokal na pamahalaan naman ng Quezon City ay nag simula nang magpakalat ng mga rescue gears sa mga barangay na madalas na binabaha.
Isinailalim na rin sa yellow alert ang Disaster Action Team ng lungsod na posibleng itaas upang matiyak ang kahandaan ng mga responders.
Sa Pasig naman ay sinimulan na ang pagtatanggal sa mga malalaking sanga ng puno na maaaring malaglag at makapaminsala pa habang nanalasa ang bagyo.
Samantala tiniyak naman ni MMDA General Manager Jojo Garcia ang full force operation ng kanilang hanay para ma- monitor ang mga posibleng maging epekto ng typhoon Ambo.