Nakapailalim na ang Metro Manila sa general community quarantine (GCQ) simula ngayong Lunes, unang araw ng Hunyo, taong 2020.
Ito’y matapos ang dalawang buwan na pag-iral ng enhanced community quarantine (ECQ) sa kalakhang Maynila.
Sa ilalim ng GCQ, niluwagan na ang mga quarantine restriction at magbubukas na muli ang mga industriya sa iba’t ibang sektor.
Ang pagsasailalim sa GCQ ng Metro Manila mula ika-1 hanggang ika-15 ng Hunyo ay batay sa naging rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the management of Emerging Infectious Diseases.
Pinaboran rin ito ng mga alkalde sa Metro Manila sa paniniwalang kailangan nang magsimulang bumangon ng ekonomiya ng bansa na lubos na naapektuhan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.