Nananatiling haze free ang Metro Manila.
Ito ayon kay EMB o Environmental Management Bureau NCR Director Vizminda Osorio ay base sa kanilang real time monitoring.
Sinabi ni Osorio na nagtala ng normal level ng presensya ng PM o particulate matters o pollutants ang lahat ng labing apat na manual monitoring equipment nila sa buong Metro Manila.
Ipinabatid ni Osorio na hindi maiuugnay sa haze mula sa forest fires sa Indonesia ang hindi aniya normal na presensya ng pollutants sa lungsod ng Pasig at Taguig.
By Judith Larino