Nananatling mataas ang terror alert level sa Metro Manila makaraan ang tangkang pambobomba sa tapat ng U.S. Embassy sa Roxas Boulevard, noong isang linggo.
Ayon kay NCRPO Director, Chief Supt. Oscar Albayalde, ang Metro Manila ang kabisera at sentro ng gobyerno kaya’t bantad ito sa mga pag-atake ng mga teroristang grupo.
Gayunman, tila sinupalpal ni Albayalde si Pnp Chief, Dir. Gen. Ronald Dela Rosa hinggil sa kabiguan nito na ipaliwanag ang depinisyon ng terror alert level 3.
Matapos anya ang Davao City bombing noong Setyembre ay isinailalim na ang bansa sa terror alert level 3 na nangangahulugang maging mapagmatyag laban sa anumang security threat.
Ipinaliwanag ni Albayalde na inadopt lamang nila ang security level upang matiyak na nakalatag ang lahat ng seguridad partikular ang intelligence gathering at countering terrorism operations.
Ipinunto rin ng NCRPO Chief na walang malinaw na banta sa Metro Manila sa kabila ng insidente sa Roxas Boulevard, noong isang linggo.
By: Drew Nacino