Nangunguna ang Metro Manila sa mga mega-cities sa Asya na nahaharap sa matinding banta ng cyclones, super storms at lindol at maraming bilang ng mamamayan na maaaring maapektuhan.
Ito ang lumabas sa pag-aaral ng natural hazards vulnerability index ng verisk maplecroft na nakabase sa Paris, France.
Pumapangalawa naman ang Tokyo , Japan at pangatlo ang Jakarta, Indonesia.
Ayon sa pag-aaral, kailangan ang major reforms at political stability para magkaroon ng improvement at mabawasan ang exposure ng mga mamamayan sa mga ganitong panganib dulot ng kalikasan.
Nagiging kapansin-pansin na kapag nagkakaroon ng malakas-lakas na ulan sa metro manila ay binabaha ang mga lungsod at maraming mamamayan ang napeperwisyo.
By: Aileen Taliping (Patrol 23)