Nangunguna pa rin ang Metro Manila sa mga rehiyon na may pinakamaraming bilang ng drug addict at mga tulak ng iligal na droga.
Ito ang inihayag ni Dangerous Drugs Board Chairman Dionisio Santiago sa Malakanyang sa gitna ng anti-illegal drugs campaign ng gobyerno.
Ayon kay Santiago, karamihan sa bilang ng mga lulong at tulak ng droga ay mula sa marginalized sector gaya ng mga nasa squatters area kung saan halu-halo ang mga nakatira sa komunidad gaya ng mga walang trabaho, mga kriminal at iba pa.
Hindi rin aniya totoong lahat ng sangkot sa illegal drugs ay mahihirap lalo’t marami rin ang mga mayaman subalit hindi nakalantad dahil ang karamihan sa mga gumon sa shabu ay nasa basement ng mga pribadong hospital o pribadong rehabilitation centers.
Kasabay nito sinabi ni Santiago na bumaba ang presyo ng droga dahil sa nakalusot na tone-toneladang shabu mula sa Bureau of Customs kung saan bumagsak sa Limang milyong Piso ang kada kilo mula sa dating Sampung Milyong Piso.
By Drew Nacino / (Ulat ni Aileen Taliping)
SMW: RPE