Nangunguna na ang Pilipinas partikular na ang Metro Manila sa mga lugar na may pinakamalalang sitwasyon ng trapiko sa buong mundo ayon sa pag-aaral ng Global Driver Satisfaction Index ng traffic gayundin ng navigation application na Waze.
Base ito sa isinagawang pagsusuri ng Waze sa driving experience ng kanilang 50 milyong users sa 32 bansa o 167 metro areas.
Ilan sa mga naging pamantayan ang madalas at tindi ng pagsisikip ng daloy ng trapiko; kalidad ng kalsada at mga imprastraktura; kaligtasan ng mga motorista, road hazards at panahon;
Lumitaw sa city level na nakakuha ng score na .4 ang Metro Manila sa mga lugar na may pinakamalalang trapiko sa scale na 1 hanggang 10 kung saan, 1 ang pinakamababa.
Pilipinas pa rin ang nakakuha ng worst country title sa national level kung traffic ang pag-uusapan gayundin isa sa pinakamalala ang sitwasyon base sa wazeyness index.
By Jaymark Dagala