Ibinunyag ng pamahalaan na nangunguna ang National Capital Region sa may pinakamataas na bilang ng insidente ng vote-buying sa bansa.
Ito ang sinabi ni Commission on Elections Commissioner Ernesto Ferdinand Maceda batay sa kasaysayan ng mga nakaraang halalan.
Ayon kay Commissioner Maceda, nasa mahigit dalawampung reklamo ang nakahain sa comelec na may kinalaman sa vote-buying.
Pumapangalawa naman ang Region 4-A o Mega Manila sa mga lugar na may mataas na bilang ng vote-buying incidents.
Sa mga probinsya naman, kabilang sa top five ang Palawan, Abra, at Camarines Sur.