Inihayag ng OCTA Research Team na nasa low risk na ulit ng COVID-19 ang Metro Manila.
Ito’y matapos bahagyang tumaaas ang reproduction number sa 0.71 mula sa 0.62 dahilan para isailalim ang rehiyon sa low risk mula sa very low risk classification.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, ang reproduction rate ay tumutukoy sa bilang ng mga taong infected ng isang kaso, kung saan ang reproduction number naman na mas mababa sa isa ay nagpapakita na ang transmission ng virus ay bumabagal.
Sa gitna nito, ang average daily attack rate o adar sa rehiyon ay nananatiling very low sa 0.54 mula noong April 21 hanggang 27.
Samantala, ang positivity rate naman sa National Capital Region (NCR) ay nasa 1.4% habang ang healthcare utilization rate ay nasa 22% at ang icu level naman ay nasa 19%.