Inihayag ng Department of Health (DOH) na nasa minimal risk case classification na ang National Capital Region (NCR).
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, naitala ang 0.87 na ADAR sa bawat isandaang libong indibidwal at nasa -62% ang 2 week growth rate ng Metro Manila.
Sinabi pa ni Vergeire, ang lahat ng lugar na nasa NCR ay nasa minimal hanggang low risk case classification na may negative 2 week growth rate.
Kabilang dito ang mga lungsod ng San Juan, Las Piñas, Taguig, Pasay, Mandaluyong, Pasig , Quezon City, Makati, Parañaque, Manila, Valenzuela, Navotas, Marikina, Malabon, Muntinlupa, Caloocan, at Pateros.