Inihayag ng OCTA research na “very low risk” na sa COVID-19 ang National Capital Region (NCR).
Batay sa ulat na inilabas ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David, makikita ang pagbuti ng mga datos mula November 26 hanggang December 2 kumpara sa kaparehong panahon noong 2020.
Umabot na lang sa 138 ang average ng naitatalang mga bagong kaso ng COVID-19 kada araw kumpara noong 2020 na nasa 416.
Ang daily attack rate naman sa kada 100 thousand individwal ay 0.97 ngayong 2021 mula sa 2.94 noong 2020.
1.2% naman ang positivity rate ngayong 2021 mula sa 3.9% noong 2020.
Habang ang reproduction number ay nasa 0.36 ngayong taon mula sa 0.94 noong 2020.
Ang reproduction rate ay tumutukoy sa bilang ng mga nahahawaan ng isang kaso.
Samantala, ang NCR ay mananatili sa alert level 2 hanggang Disyembre 15, 2021.