Posibleng ibaba sa mas maluwag na quarantine classification ang National Capital Region (NCR) matapos ilagay ito sa alert level 4.
Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, na kung gaganda pa ang sitwasyon sa Metro Manila sa ikalawang linggo ng implentasyon ng alert level 4 na magtatapos ng Setyembre 30 ay posibleng ibaba ito.
Binanggit din ni Abalos ang datos na mula sa OCTA Research Group kung saan ang reproduction rate raw mula sa dating 1.90 noong Agosto 8, ngayon namang nakalipas na Setyembre 22 ay bumaba pa ito sa 1.03.
Paliwanag pa ng MMDA Chief na posibleng ibaba pa sa alert level 3 ang Metro Manila.
Sakaling mangyari aniya ito ay papayagan na sa 30% ang kapasidad ng mga establisyemento.
Aniya, sa kasalukuyan bukas na ang ilang negosyo tulad na lamang ng mga restaurants na nasa 10% habang 30% naman ang al fresoco dine in.