Inihayag ng OCTA Research Group na posible nang isailalim sa ‘low risk’ classification ng COVID-19 ang buong Metro Manila sa katapusan ng buwan.
Ito ay dahil pababa na ng pababa ang mga naitatalang COVID-19 cases sa bansa.
Ayon kay Octa Reasearch Fellow Professor, Dr. Guido David, patunay lamang na bumababa na ang trend ng COVID-19 dahil wala nang nakikitang variant of concern sa Pilipinas kung ikukumpara sa ibang mga bansa.
Dahil dito, posibleng maging masaya ang selebrasyon ng pasko kung patuloy na susunod ang publiko sa ipinatutupad ng pamahalaan.— sa panulat ni Angelica Doctolero