Bahagya nang bubuksan ang Metro Manila skyway stage 3 simula ngayong araw, Disyembre 29.
Ayon kay San Miguel Corporation Chief Operating Officer Ramon Ang, maaaring makadaan nang libre ang mga motorista sa skyway stage 3 sa loob ng 1 buwan.
Inaasahan naman aniyang magiging fully operational na ang proyekto simula sa Enero 14 ng susunod na taon.
Pagdurugtungin ng 18 kilometrong skyway stage 3 project ang South Luzon Expressway at North Luzon Expressway.
Target nitong mapaikli sa 15 hanggang 20 minuto ang kasalukuyang 2 na biyahe mla sa Buendia hanggang Balintawak.