Inaasahang lalarga ang 1000% operasyon ng Metro Manila subway sa 2025.
Ito ang inihayag ng Department Of Transportation (DOTr) kung saan magsisimula sa P22.00 ang pamasahe sa naturang railway system.
Ayon kay Transportation Undersecretary Timothy Batan, posibleng magkaroon na ng partial operation sa ilang pangunahing pasilidad ng railway system bago matapos ang 2021.
Kabilang aniya rito ang East Valenzuela Station, Philippine Railways Institute at Depot ng subway.
Batay naman umano sa feasibility study ng ahensya, ang boarding fare ay inaasahang magsisimula sa P22.00 at karagdagang P2.00 kada kilometro depende sa layo ng byahe.