Tiniyak ngayon ng PHIVOLCS na ligtas sa lindol ang itinatayong Metro Manila Subway system.
Ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum, walang bahagi ng subway system ang nasa ibabaw ng west valley fault.
Binigyang diin pa ng opisyal na ang subway rail system ay dadaan sa abobe layer na angkop aniya sa gagawing “tunneling”.
Dagdag pa ni Solidum, mas ligtas ang underground rail kumpara sa elevated rail kung magkakaroon ng pagyanig sa lupa.
Samantala, tiwala naman ang Department of Transportation na sa lawak ng karanasan at husay ng Japan sa pagdisensyo, paggawa at pag-operate ng subway system ay ligtas ito sa ano mang paglindol.