Bahagya nang mararamdaman ng mga Pilipino ang kauna – unahang subway system sa Metro Manila bago magtapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.
Iyan ang pagtitiyak ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar kasunod ng naging pagpupulong nila Pangulong Rodrigo Duterte at Japanese Prime Minister Shinzo Abe.
Maka-ilang beses umanong binanggit ng Japanese Primier ang mahigit 400 bilyong Pisong grant ng Japan para sa subway project na siyang inaasahang solusyon sa mabigat na daloy ng trapiko.
Tinatayang nasa 13 milyong residente ng Metro Manila ang makikinabang sa naturang subway project na itatayo mula Mindanao Avenue sa Quezon City hanggang FTI complex sa Taguig City.