Tiniyak ng National Capital Region Police Office na walang banta ng ISIS sa Metro Manila.
Ayon kay NCRPO o National Capital Region Police Office Chief Oscar Albayalde, kasalukuyang pangkalahatang mapayapa ang sitwasyon sa kalakhang Maynila.
Ipinabatid ni Albayalde na sa ngayon ay wala silang natatanggap na impormasyon na posibleng umabot sa Metro Manila ang kaguluhan mula sa Mindanao.
Gayunpaman, mahigpit na seguridad pa rin ang pinaiiral ng NCRPO gaya ng pagkakaroon ng checkpoint operations at pinaigting na pagbabantay sa mga lugar na posibleng maging target mga masasamang loob.
By Ralph Obina
Metro Manila walang banta ng ISIS—PNP was last modified: May 27th, 2017 by DWIZ 882