Wala pang nabubuong quarantine consensus ang mga alkalde ng Metro Manila kung palalawigin ang MECQ status sa NCR plus.
Sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos, Jr. na maraming factors ang kinukunsidera ng Metro Mayors sa pagpapasya sa magiging quarantine status sa NCR tulad ng bilang ng available ICU beds at opinyon ng economic managers.
Ayon naman kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro hindi pa nila nakukuha ang data analytics maging ang inputs ng private sector kaya’t hindi pa sila makabuo ng desisyon hinggil sa bagong quarantine status sa Metro Manila sa pagsapit ng Mayo uno.
Bagamat bumaba na ang mga naitatalang kaso sa NCR nasa critical level pa rin aniya ang dami ng COVID-19 cases kaya’t dapat mapaigting pa ang contact tracing.