Suspensyon ang naghihintay sa mga Metro mayors na mabibigong linisin ang kanilang mga kalsada sa illegal vendors sa loob ng palugit na ibinigay ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Ilalatag ito sa memorandum circular na ilalabas ng DILG batay sa napagkasunduan sa pulong ng 17 alkalde ng Metro Manila.
Samantala, maaari namang suspindihin ng kani-kanilang konseho ang mga barangay officials na mabibigong pigilan ang mga illegal vendors na magbalik sa mga nilinis nang kalsada.