Nakatakdang magpulong mamayang gabi ang Metro Manila mayors para pag-usapan ang pagpapatupad ng iisang ordinansa na magpaparusa sa mga indibidwal na nasa likod ng umano’y “bakuna o vaccination slot for sale”.
Ayon kay Parañaque Mayor Edwin Olivarez, chair ng Metro Manila Council (MMC), ito aniya ay bilang pagtugon sa panawagan ng malakaniyang sa mga LGU na bumuo ng ordinansa hinggil dito.
Sinabi ni Olivarez na pag-uusapan nila sa pulong kung anong magiging ordinansa na gagawin ng bawat siyudad sa Metro Manila.