Nakatakda muling magpulong ang mga alkalde ng Metro Manila kaugnay sa quarantine status ng National Capital Region (NCR) Plus Bubble.
Ayon kay Metro Manila Council (MMC) Chairperson at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, karaniwang isinasagawa ang pagpupulong ng Metro Manila mayors tuwing Linggo ng gabi.
Kasama rin aniya sa magiging pagpupulong ang kinatawan ng Department of Health (DOH) upang malaman ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) situation ng bawat local government unit sa Metro Manila.
Ani Olivarez, tatalakayin nila ang kanilang magiging rekomendasyon para sa susunod na ipatutupad na quarantine status sa darating na katapusan ng Abril.
Magugunitang isinailalim sa modified enhanced community quarantine ang NCR Plus Bubble hanggang sa ika-30 ng Abril dahil sa pagdami muli ng naitatalang kaso ng COVID-19 sa NCR Plus Bubble.