Napagkasunduan ng Metro Manila mayors ang pagbabakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa mga essential workers o ang mga kabilang sa A4 at dagdag na kapasidad sa mga establisyimento.
Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, napagdesisyunan ng mga alkalde na lakihan pa ang kapasidad sa mga establisyimento at mabuksan na ang iba pang mga negosyo.
Gayundin ang pagbabakuna sa mga nasa A4 category kung saan sa depinisyon ng National Economic Development Authority ay lahat ng manggagawa maliban na lamang ang mga naka-work-from-home.
Kasabay nito, tiniyak ni Abalos na bago ito napagkasunduan ng mga alkalde ay isinangguni muna sa Department of Health (DOH) kung saan naging maganda naman ang tugon nito dahil sa bumababa na umano ang kaso ng COVID-19.