Nakatakdang talakayin bukas, Pebrero 22 ng Metro Mayors ang desisyon kung ilalagay na sa mas maluwag na Alert level 1 ang National Capital Region.
Ayon kay MMDA Officer-In-Charge Romando Artes, habang wala pang desisyon ay dapat sundin pa rin ng publiko ang mga restriksyon sa ilalim ng Alert level 2 hanggang katapusan ng Pebrero.
Nabatid na sa ilalim ng Alert level 1, papayagan na ang intrazonal at interzonal travel sa kahit anong edad o comorbidity at full operation ng lahat ng negosyo.