Wala pang nabuong pasya ang Metro Manila mayors kung papayagan na ang mga batang makagala sa mga mall.
Sa ginawang virtual meeting ng Metro mayors kagabi, inihayag ng mga ito na hihintayin pa nila ang opinyon ng health experts kung ligtas nga bang makalabas ng bahay ang mga kabataan bago magdesisyon sa usapin.
Una nang inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang pagpayag sa mga kabataan na makalabas na ng kanilang bahay at makapunta sa mga mall basta’t kasama ang kanilang mga magulang, at kailangan ding mag-isyu ng local government units ng mga ordinansa hinggil sa isyung ito.