Patay ang Metro Patrol Volunteer nang pagbabarilin ito sa bahagi ng Quezon City kagabi.
Kinilala ang biktimang si Jose Bernardo batay sa nakuhang id ng mga awtoridad na nagtamo ng tama ng bala sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan.
Ayon sa mga saksi, nangyari ang insidente sa harap ng isang kainan sa North olympus, barangay kaligayahan sa nasabing lungsod
Sinasabing tinambangan ang biktima ng riding in tandem, hindi kalayuan sa hindi pinangalanang kainan
Sugatan din ang isang kawani ng restaurant na kinilalang si Marlon Donio nang tamaan din ito ng bala ng kalibre 45 na baril.
Kasalukuyan nang nagpapagaling si Donio sa Bernardino hospital sa Novaliches.
By: Jaymark Dagala