Umaasa ang Metropolitan Manila Development Authority na mas maraming residente ang makikilahok sa 2nd Metro-wide Shake Drill bukas June 22.
Ayon kay MMDA Chairman Emerson Carlos, umaasa silang malalagpasan ang 6.5 million na participants sa kauna-unahang Metrowide Shake Drill noong nakaraang taon.
Target aniya nila na umabot sa 14 na milyon ang makikilahok sa naturang aktibidad.
Sisimulan ang Metrowide Shake Drill Alas-9 ng umaga na lalahukan ng Local Government Agencies, paaralan, bpo’s, ospital, businesses at iba pa.
By: Meann Tanbio