Isinailalim sa lockdown ang tanggapan ng Metropolitan Trial Court Branch 10 sa Maynila, kahapon, July 15 hanggang sa July 29.
Ito’y sa bisa ng inilabas na memorandum ni executive Judge Carissa Anna Manook-Frondozo, 1 empleyado kasi ng naturang branch ang nagpositibo sa COVID-19.
Bukod pa rito, 1 empleyado rin sa kaparehong branch ang nagpositibo naman sa rapid test, kung kaya’t isinailalim ito sa swab testing at patuloy pang hinihintay ang resulta nito.
Sa kaparehong abiso, inaatasan din ang lahat ng mga empleyado ng branch 10, na sumailalim sa self-quarantine hanggang sa July 29, at patuloy na i-monitor ang kani-kanilang mga kalusugan.
Samantala, oras naman anila na makaranas ng sintomas ng nakamamatay na virus, iniutos din ng pamunuan korte na agad na ipagbigay alam sa kani-kanilang mga barangay health response team para agad na matugunan ang kanilang mga pangangailangan.