Muling ilalarga ng Metro Manila Development Authority o MMDA ang ikalawang metrowide earthquake drill ngayong araw.
Alas-9:00 ngayong umaga, isang minutong patutunugin ang mga alarma mula sa mga ambulansya, trak ng bumbero gayundin sa mga gusali.
Ayon sa MMDA, kanilang pagbabasehan sa nasabing eartquake drill ang pagtama umano ng magnitude 7.2 na lindol kaya’t mahalagang mabatid ng publiko kung ano ang dapat gawin.
Dahil dito, asahan na ang pagsasara ng ilang pangunahing kalsada tulad ng northbound lane ng Guadalupe Bridge at UP Ramp ng JP Rizal patungong EDSA.
Ilan sa mga ipakikitang sitwasyon ang kunwari’y pagguho ng mga gusali, pagkakaroon ng looting, sunog at mga madadaganan o maiipit na mga tao.
Maliban sa mga residente ng Metro Manila, Cavite, Bulacan at Rizal, makikilahok din sa nasabing pagsasanay ang mga preso.
By Jaymark Dagala
Photo Credit: mmda