Eksakto alas-9:00 ng umaga sabay-sabay na isinagawa ang earthquake drill sa buong Metro Manila na sinimulan sa pamamagitan ng pag-alingawngaw ng sirena.
Iba’t ibang scenario ang isinagawa sa earthquake drill kabilang dito ang pagkadiskaril ng LRT at kung gaano kabilis ang responde para i-rescue ang mga sakay ng tren.
Ang mga empleyado ng mga munisipyo, iba pang tanggapan ng pamahalaan, mga paaralan at iba pang kumpanyang lumahok sa shake drill ay tinuruan kung ano ang dapat gawin sakaling magkaroon ng malakas na lindol.
Maliban sa duck, cover and hold, pinalabas rin ng gusali ang mga kalahok ng shake drill patungo sa isang open area.
Nagkaroon rin ng scenario kung saan isang bahay at isang sasakyan ang nasusunog dahil sa lindol at kung paano reresponde dito ang awtoridad.
Mayroong rescue operations na isinagawa sa Ilog Pasig sakaling mayroong mahulog na tao roon kapag may lindol, pag-rescue sa biktimang nasa rooftop ng gusali gayundin ang mga nakulong sa isang gusali.
Kalahok rin sa shake drill ang mga bilanggo sa building 6 ng New Bilibid Prisons na pinalabas sa open area.
By Len Aguirre